MAYOR NG PASAY MAY COVID-19 NA NAMAN

SA ikatlong pagkakataon ay muling nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ayon sa kanyang chief of staff na si Peter Pardo, kasalukuyang nasa hindi nabanggit na isolation facility si Calixto-Rubiano kung saan siya nagpapagaling.

Sinabi ni Pardo na hindi pa malaman kung anong uri ng variant ng COVID-19 ang dumapo kay Calixto-Rubiano na naging “symptomatic.”

Si Calixto-Rubiano ay nakaramdam si Calixto-Rubiano ng masamang kondisyon koon mismong araw ng Bagong Taon (Sabado) kung saan nagkaroon siya ng pangangati ng lalamunan.

Makaraang makaramdam ng hindi magandang pangangatawan ay agad na sumailalim ang mayora sa RT-PCR test kung saan siya nagpositibo sa COVID-19.

Ang resulta sa isinagawang RT-PCR kay Calixto-Rubiano ay ipinadala sa Philippine Genome Center upang malaman kung anong uri ng variant ang dumapo sa alkalde.

Bagaman nasa isolation si Calixto-Rubiano ay sinabi ni Pardo na ipagpapatuloy pa rin ng mayora ang kanyang pagseserbisyo sa lungsod bilang ina ng bayan at ipagpapatulyo din ang pagsasagawa ng mga pagpupulong sa online haban gsiya ay nagpapagaling.

Matatandaan na unang dinapuan ng COVID-19 si Calixto-Rubiano noong Pebrero at sinundan ito ng Hulyo ng nakaraang taon. MARIVIC FERNANDEZ