KAYA pala hindi na ganoon ka-atat sa showbiz itong si Richard Gomez na kasalukuyang Mayor sa Ormoc City ay dahil farming ang inaasikaso nito katuwang ang congresswoman wife na si Lucy Torres.
In fairness ang daming pananim sa malawak na farm ni Goma sa Ormoc tulad ng mangga, oranges, grapes, rambutan at iba’t-ibang mga gulay. Tuwing may mga bisita nga ito ay enjoy si Richard na ipatikim ang kanilang ipinagmamalaking mga prutas na ‘yung iba ay kanilang ibinebenta.
Marami ring alagang hayop ang actor, tulad ng manok, itik at majority ay mga imported dogs. Sa nasabing farm ay nagha-harvest din ang mga tauhan ni Mayor Goma ng honey bee na ginagawa nilang pure honey at ilang kilo ang napo-produce nila bawat harvest.
Yes, si Richard mismo ang nagsu-supervise ng farm nila ni Lucy at sa kanyang Instagram ay pino-post ng actor-politician ang pag-aani niya ng siling labuyo na ipamimigay raw niya sa kanyang mga kaibigan.
At kahit na abala sa kanyang pagiging alkalde sa Ormoc City, Leyte ay may oras si Goma para sa bonding nila ni Lucy at unica hija na si Juliana.
DAUGHTER NI MARISSA DEL MAR NA SI PRINCESS ADRIANO HINAHASA NA SA NEGOSYO
MAGANDA at artistahin ding tulad ni Marissa del Mar ang daughter na si Princess Adriano, kaya tuloy ang plano ni Marissa na i-produce ng advocacy film si Princess kasama ang ilang sikat na celebrity. May mga kasosyo rito si Marissa at target nilang magawa ang pelikula this 2020. Hindi lang ang ganda ni Marissa ang namana ni Princess kundi ang pagiging good leader ng kanyang TV host-businesswoman Mom.
College degree holder si Princess at executive siya ngayon ng kanilang Chanti Gem Jewelries na nasa 2nd Floor ng Ayala Malls Manila Bay, Macapagal Boulevard, Parañaque City.
Inuumpisahan na pala ni Marissa ang pagte-training kay Princess lalo na pagdating sa negosyo tulad nang pakikipag-usap sa mga kilalang personalidad na kaibigan ni Marissa. Madali naman itong natutunan ng anak lalo na’t mayroon itong sariling vlog na napanonood sa YouTube kaya’t sanay ng makipag-communicate sa kanyang audience. Mukhang susundan din ni Princess ang yapak ni Marissa sa pagiging TV host sa matagal na panahon.
PLASTIK NI JUAN PROJECT NG EAT BULAGA, TULOY SA PAMIMIGAY NG PLASTIC CHAIRS SA BUONG BANSA
SA BAWAT barangay, ang itinatapon mong mga plastik na bagay ay hindi lang nagagawang silya ng matagal ng proyekto ng Eat Bulaga na “Plastik ni Juan Project,” kundi nalilinis pa ang inyong kapaligiran at makaiiwas sa baha.
Patuloy ang Bulaga sa pamamahagi ng libreng plastic na upuan sa public schools sa buong Filipinas.
Noong Biyernes dinala ng EB truck ang handog nilang mga silya sa Infanta Central Elementary High School sa Infanta, Quezon at Manggahan National High School sa Rodriguez, Rizal na bunga ng inyong pagbabayanihan, Dabarkads! Maliban pa roon, ipinamahagi rin ng EB Team ang iba pang gamit sa classroom tulad ng Stand Fan, Water Dispenser at Metal Straw na ikinatuwa siyempre ng labis ng mga guro at estudyante ng nasabing Elementary School.