MAYOR SARA IGINIIT NA HINDI MAKIKIALAM SA ‘SPEAKERSHIP FIGHT’

Mayor Sara

BAGAMA’T aminadong mayroon siyang “personal bet”, tahasang sinabi ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na wala siyang intensiyon na impluwensiyahan ang labanan sa pinakamataaas na posisyon ng Kamara de Representantes o ang ‘speakership’.

Sa kanyang pahayag, binigyan-diin ng Davao City lady chief executive na hindi rin siya ang tamang tao para mag-endorso ng sinumang nagnanais na maging speaker.

“I am only the Mayor of Davao City…I am not the correct person to endorse someone to be the next speaker. I only have a personal bet but do not intend to influence Congress. It is best if the newly elected members of the House of Representatives individually decide who among those who are interested to become the next Speaker can truly bring good governance and positive change to Congress, to the Filipino people, and to our country.” Ang sabi pa ng presidential daughter at kilala rin sa tawag na Mayor Inday Sara.

Ginawa ni Mayor Sara ang pahayag bilang reaksiyon sa mga ulat na mayroon siyang ‘minamanok’ sa napipintong ‘speakership fight’.

Kabilang dito si comebacking Leyte Rep. Martin Romualdez, na ipinakilala niyang ‘the next speaker’ nang pangunahan ang campaign rally ng senatorial candidates na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Tacloban City sa katatapos na May 13 midterm polls.

Matigas naman ang tugon ni Duterte-Carpio sa alok ni former Speaker Bebot Alvarez na ‘reconciliation’ at paghingi ng basbas sa una sa balakin ng huli na masungkit muli ang ‘top post’ ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

“I have no intention of accepting Rep. Bebot Alvarez’s offer of reconciliation because the offer was deceiving and utterly lacked sincerity. Unknown to him, he was surreptitiously video taped when he threatened, after his win in the recent elections in Davao del Norte, “Ipapahiya ko si Sara.” Alvarez was and he remains to be a very dangerous, machiavellian individual who does not deserve peace.” Ang mariing tugon ng lady mayor.

Hinggil naman kay Congressman-elect Alan Peter Cayetano, sinabi ni Mayor Inday Sara na tama ito sa pagsasabing hindi humingi ng kanyang ‘basbas’ nang magkausap sila sa Davao noong nakaraang taon.

“He, however, came with a veiled threat, that if I endorse Rep. Velasco for Speaker, I would break up the “group.” And this, he said, will affect the presidential elections of 2022,” pagbubunyag pa ng alkalde.

Sa kaso naman ng kapatid niyang si elected Davao City Rep. Paolo Duterte kaugnay sa ‘speakership’, sinabi niya na makabubuting si Pangulong Rodrigo Duterte na lamang ang sumagot sa isyung ito.

“The question on the interest of Cong-elect Paolo Duterte for Speaker of the HOR should best be addressed by our father because he is the President and our patriarch,” ani Mayor Sara.

Bagama’t hindi pinangalanan, halos batid naman ng marami na si Velasco ang “personal bet” niya sa pagka-speaker.

Diumano, ilang kongresista na ang nakatanggap ng ‘text message’ mula kay Mayor Sara na nagsasabing ang Marinduque solon ang kanilang magiging speaker. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.