MAYOR SARA NAGDESISYON NA

BINAWI  ni Mayor Sara Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa lungsod ng Davao.

Unang nagpahayag ng pagbawi ng kandidatura  araw ng Martes ang kaniyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sinabi ni Sara sa kanyang official Facebook page na si Vice Mayor Baste ang sasalo sa kaniyang iiwang posisyon habang si Atty. Melchor Quitain ang napili sa pagkabise-alkalde sa Davao.

Samantala, hindi pa nagbigay ng karagdagang impormasyon si Inday Sara patungkol sa pagtakbo nito sa pagka-presidente.