MAYOR VICO MAS GUSTONG MATULOG KAYSA MAKIPAGRELASYON

Vico Sotto

PURING-PURI ng mga taga-Pasig City ang kanilang batang-batang mayor na si chizmaxVico Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Si Bossing Vic ay tuwang-tuwa sa bagong achievement ng anak. Hindi nga raw siya makapaniwalang may anak na siyang mayor na napakagaling.

Pawang magagandang balita ang naririnig ni Vic sa anak na mayor. Natatawa na lang daw siya kapag may nagkukuwentong tinatawag na ‘crush ng bayan’ ang anak dahil sa angkin nitong talino at pisikal na katangian.

Marami raw kasing nagpapa-cute at nagpaparamdam na mga kababaihan sa binatang mayor ‘yun nga lang daw mukhang mailap ang anak.

Mas gugustuhin pa raw ni Mayor Vico ang matulog at makapagpahinga kesa makipag-date.

Ayon naman kay Bossing Vic, hindi pa lang raw siguro nakatakda ang tamang babae para sa anak.

“Ay totoo naman eh, kahit ako nasa lugar niya mas masarap matulog at natutuwa kapag nakakabalita ako ng ganyan, kasi siyempre anak ko ‘yun, ‘no!” masayang wika ni Bossing.

Ayon pa sa Eat Bulaga host, kahit daw nu’ng maliit pa lang si Vico  ‘yan na ang gusto niya, ang magserbisyo sa publiko.

“Pinag-aralan niya talaga. Nag-participate siya sa non-government organizations na may kinalaman sa gobyerno,” ani Bossing Vic.

“So, sabi ko nga, he’s come prepared. At nakikita naman natin na talagang nagde-deliver siya. I’m proud of him,” dugtong pa ng EB host.

Napangiti ang TV host-comedian actor na may potential daw tumakbong presidente ang anak na mayor pagdating ng panahon.

“He’s still young. Wala pa. That will be about 15 years from now,” diretsang sagot ni Bossing Vic.

“Alam ko naman na he will be doing good and I’m confident that he can do better in the future,” pagtatapos ni Bossing Vic.

ELLEN ‘DI KAILANGAN ANG SUPORTA NI JOHN LLOYD PARA SA ANAK

HANGGANG nga­yon, wala pa ring kumpirmasyon sa celebrity couple na sina Ellen Ellen AdarnaAdarna at John Lloyd Cruz hinggil sa kanilang hiwalayan isyu. Parehong tikom ang bibig nila.

Marami ang nagtatanong, papaano na ang kinabukasan ng anak nina Ellen at JLC na si Elias Modesto, ang kanilang lovechild.

Isang malapit na kaibigan ni Ellen ang nagsabing hindi naman daw ini-expect ng sexy actress ang suporta mula sa ex-partner nito. Mas may pera naman daw kasi si Ellen kaysa kay Lloydie.

Hinggil sa break-up umano ng celebrity couple, hindi naman daw nila nakikita na bothered ang kanilang kaibigan, naka-focus daw kasi ang sexy-actress sa kanyang anak.

Sanay naman daw sa malalaking kontrobersiya si Ellen. Alam daw nilang madaling makakapag-move on ang kaibigan kung totoo nga raw na hiwalay na ang dalawa.

KRIS MASAYA  KAY GABBY

IBINAHAGI ni Kris Aquino sa kanyang vlog story ang ilang detalye ng pelikulang Kris Aquinopagsasamahan nila ni Gabby Concepcion.

Ang magiging role daw nila para sa 2019 MMFF entry ‘(K)ampon’ ay bilang mag-asawa.

Sinabi ng actor na interesting ang kuwento ng movie nila ni Kris na sinang-ayunan naman ng Queen of All Media.

Paliwanag ng horror queen, “Without revealing too much, I’d like to make it clear that what attracted me to this is that sometimes, in marriage, you also develop a friendship. Kasi sometimes, ang dalas nating kasi na, ‘We’re together because of the kids.’ Kawawa naman ‘yung mga bata. But sometimes, you do stay together because best friends na kayo. And I think ‘yun ang naging relationship ni Clark (Gabby) at ni Grace (Kris).”

Walang pagsisisi si Kris kung hindi man si Derek Ramsay ang kanyang kapareha kung saan siya unang napabalita.

Nag-backout umano ang actor dahil nag-conflict umano sa schedule ng kanyang GMA te­leserye kapareha na si Andrea Torres.

One thought on “MAYOR VICO MAS GUSTONG MATULOG KAYSA MAKIPAGRELASYON”

Comments are closed.