IKINOKONSIDERANG frontliner din ang mga barangay chairman at mayors kung kaya kuwalipikadong mabakunahan ang MGA ito laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Paranaque City Mayor at Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin L. Olivarez makaraang maiulat na limang mayors ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Ipinaliwanag ni Olivarez na bilang namumuno sa local health board ay maaaring na makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mayor.
“Ang problema lamang dito ay ang delicadeza. Sa ngayon ay kulang pa rin tayo ng vaccine. Kailangan pa ba tayong mauna sa ating mga konstituwente?,” ani Olivarez sa isang panayam.
Gayunpaman, Anang alkalde na kailangan din na mabigyan ng prayoridad ang mga opisyal ng bawat barangay dahil itinuturing din sila na mga frontliner.
Matatandaan na kamakailan lamang ay ilan sa mga mayors ang binatikos dahil sa pakikipag-unahan sa COVID-19 vaccine.
Bukod pa sa mga politiko, ilan din sa mga empleyado ng gobyerno ang nauna pang mabakunahan kaysa sa health workers gayundin ang kontrobersyal na pagbabakuna kay actor Mark Anthony Fernandez na sinilip ng DILG. MARIVIC FERNANDEZ
492099 227648I conceive this internet site has got some real fantastic info for everyone : D. 253031
136526 548678Some genuinely good and valuable info on this site , besides I think the style contains amazing features. 134666