NAGKASUNDO ang Metro Manila mayors na ibaba sa Alert Level 1 ang quarantine classification simula ngayong Marso 1.
Ito ay resulta ng pagpupulong ng Metro Manila mayors, Martes ng gabi.
Ayon kay Parañaque City Mayor at Metro Manila Council (MMC) Chairman Edwin Olivarez, unanimous ang naging boto ng mga mayor na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.
Patuloy na aniyang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang sa Pebrero 28.