WALO sa bawat sampung Filipino ang kuntento sa kasalukuyang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga nitong Setyembre.
Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakakuha ng +64 na net satisfaction rating o katumbas ng ‘very good’ ang war on drugs ng pamahalaan.
Gayunman, mas mababa naman ito ng anim na puntos mula sa nakuhang +70 noong Hunyo.
Ayon sa SWS, 79% ng mga Filipino adult respondents ang nagsabing nasisiyahan o kuntento sila sa war on drugs.
Habang 15% ang hindi nasisiyahan at 6% ang undecided.
Lumabas din sa survey na 42% ng mga Filipino ang naniniwalang bumaba na ang bilang ng mga drug suspect dahil sa war on drugs.
18% naman ang nasabing nakatulong ito para maaresto ang drug suspects habang 11% ang naniniwalang bumaba ang bilang ng krimen dahil sa kampanya kontra ilegal na droga. DWIZ882
Comments are closed.