MAYWEATHER BALIK-RUWEDA SA PEBRERO

MAYWEATHER 

INANUNSIYO ni retired boxing champion Floyd Mayweather Jr. ang kanyang pagbabalik sa ring sa isang  “super exhibition” laban kay YouTuber Logan Paul.

Nakatakda ang laban sa Pebrero 20, 2021, ayon sa isang post ni Floyd sa kanyang Instagram page.

Ang  bout ay mapapanood via pay-per-view. Ang unang  1 million purchases ay magkakahalagang  $24.99 pataas sa $39.99. Sa Disyembre 29, ang presyo ay tataas sa $59.99 at pagkatapos ay magiging $69.99 sa Pebrero 11.

Ang anunsiyo ay isinagawa isang linggo makaraang pabagsakin ng kapatid ni Paul na si Jake Paul, si dating  NBA player Nate Robinson.

Si Mayweather, walang talo sa kanyang career na may record na 50-0, ay itinuturing na isa sa boxing’s all-time greats.

Nagretiro siya noong 2017 makaraang talunin si Conor McGregor, isang fight na sa pagtaya ng Forbes ay kumita ng mahigit sa $550 million.

Comments are closed.