MEASURES VS BUBONIC PLAGUE (Pinalalatag na)

BUBONIC PLAGUE

INATASAN ni Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, Department of Health (DOH) at Philippine Port Authorities (PPA), na maglatag na ng hakbang upang hindi na makapasok ng bansa ang nakamamatay na sakit galing sa  China na tinatawag na bubonic plague.

Ayon sa kongresista, nakababahala ang maaaring pagpasok ng death plague kasabay ng pagdagsa ng mga Chinese national na dumara­ting sa bansa.

Batay sa tala ng Bureau of Immigration, tinatayang nasa mahigit tatlong milyong Chinese nationals ang pumasok sa bansa mula noong Enero taong 2016 hanggang Mayo sa taong 2018.

Samantala, hinihiling naman ng mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng sariling quarantine sa mga Chinese na dumarating sa bansa para matiyak na wala silang sakit at hindi na mahawaan ang bansa. DWIZ882

Comments are closed.