MEAT PRODUCTS IE-EXPORT SA MGA BANSANG MAY ASF

MEAT EXPORT

MAGANDANG oportunidad ang planong pag-e-export ng karneng baboy sa mga bansang apektado ng African swine fever.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na target nila ang magpadala  ng mga karne sa mga bansang apektado ng kumakalat na ASF.

Ang main exporter ng baboy sa Filipinas, na China ay grabeng tinamaan ng ASF at ang nasabing bansa  ay nag-iimport ngayon ng mga karne sa mga bansang walang ASF.

Ang nasabing plano ng Department of Agriculture (DA) ay agad na inalmahan ng samahan ng mga nagbebenta ng karneng ba-boy sa bansa.

Sinabi ni Dr. Rufina Salas, secretary general of the Agriculture Sector Alliance of the Philippines, na isang magandang oportuni-dad aniya ang nasabing hakbang subalit nararapat na tanggalin muna ang pag-angkat sa ibang bansa.

Bilang pag-iingat upang hindi kumalat sa bansa ang ASF ay plano ng  kagawaran na bumili ng mga X-ray machine upang agarang ma-detect ang mga karneng ipinapasok sa Filipinas kung apektado ng nasabing mga virus.

Nagpakalat na rin ng may 45 sniffing dogs sa Ninoy Aquino International Airport upang mapigil ang pagpasok ng  ASF mula sa 15 bansang tinamaan ng virus. AIMEE ANOC

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *