PANSAMANTALANG ipinasara ng Department of Agriculture kamakailan ang isang frozen meat supplier matapos na ma-test ang ilan nilang produkto na positibo sa African Swine Fever (ASF).
Ipinadala ang notice of closure sa North Star Meat Merchants, Inc. matapos na ma-test ang kanilang produkto na naka-display sa meat section ng isang grocery sa Quezon City na positibo sa ASF noong nakaraang Disyembre 19, ayon kay Agriculture Secretary Willam Dar.
“The meat that tested positive for ASF last December was an ‘isolated incident,” pahayag ng North Star.
Pahayag ng North Star na nakikipag-ugnayan sila sa DA para ipatupad ang bio-security protocols kasama ang pagtatapon ng mga hinihinalang apektadong produkto, paglilinis araw-araw ng kanilang pasilidad at ang pansamantalang suspensiyon ng kanilang plant operations para sa pangkalahatang paglilinis, sabi pa.
“We assure the public that our company conforms to the highest and most stringent processes to ensure that the regulatory guidelines are met and followed,” ayon pa sa pahayag.
Ang kompanya ay nasa ilalim ng National Meat Inspection Service (NMIS), habang ang kontaminadong produkto ay kinumpiska ng local government.
Comments are closed.