MECQ TULONG SA PAGBAGAL NG COVID-19 TRANSMISSION

Metro Manila

MALAKING tulong ang pagsasailalim muli sa  modified enhanced community quarantine (MECQ)  sa Metro Manila kabilang ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa nakakapagpabagal ito ng transmis­yon ng coronavirus disease (COVID-19) sa isang komunidad  bukod pa sa malaking kabawasan ng mga pasyente na magpapagamot sa kanilang mga nararamdamang sakit.

Ayon kay Dr. Jeffrey Pagsisihan, medical director ng Ospital ng Parañaque 1 & 2 (OsPar 1 & 2), ang pagdedeklara ng MECQ ay makapaglilimita sa galaw at paglalabas ng mga tao sa kanilang mga bahay na isang malaking tulong sa medical practitioners upang mapigil ang transmisyon ng COVID-19 sa isang komunidad.

Gayundin, ang MECQ ay magsisilbi ring window period para sa mga naka-admit na pasyente para sa mabilis na recovery  at  mga ospital upang hindi maging decongested ang mga ito.

Inamin din ni Pagsisihan na pati ang medical practitioners ay nahaharap rin sa isang malaking dilemma sa healthcare at ekonomiya sa patuloy na pagdami ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19.

Kasabay nito, nananawagan din si Pagsisihan sa mga residente ng Paranaque na makibahagi at maging ehemplo sa pamamagitan ng maayos na pagsusuot ng facemask habang nasa labas ng bahay, pananatili ng physical distancing at malimit na paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “MECQ TULONG SA PAGBAGAL NG COVID-19 TRANSMISSION”

  1. 419552 324669A person necessarily lend a hand to make severely posts Id state. This is the very very first time I frequented your web page and to this point? I surprised with the analysis you produced to make this specific submit extraordinary. Magnificent method! 532805

  2. 561059 738412This style is steller! You most definitely know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Great job. I actually loved what you had to say, and much more than that, how you presented it. Too cool! 667924

Comments are closed.