MED MISSION SA BULACAN MAKOKOMPLETO NA

MEdical Mission

MALOLOS CITY – MAPALAD ang residente ng  unang distrito ng Bulacan dahil natutugunan ng walang tigil na medical at dental mission ng kanilang kongresista ang kanilang health problem bukod pa sa pagkakaloob ng livelihood program sa pamamagitan ng tulong-Pangkabuha­yan.

Inaasahang sa pagpasok ng taong 2020 ay makokompleto na ni Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado (1st District) ang pagkakaloob ng medical support sa 153 Barangay sa kanyang distritong nasasakupan na kinabibilangan ng Malolos City, Paombong, Bulakan, Hagonoy, Pulilan at Calumpit.

Si Cong. Alvarado, higit na kilala sa tawag na Kuya Jonathan ay hindi tumitigil sa pagkakaloob ng serbisyong medikal sa kanyang constituents at bukod sa regular na medical mission ay mayroon din itong peoples day at dito niya tinutugunan ang mga inilalapit na suliranin ng kanyang mga kababayan sa abot ng kanyang kakayahan.

Bukod dito, aktibo rin si Cong. Alvarado sa sports program na may temang “yes to sport, no to drugs” at siya ang team owner ng Bulakan Kuyas sa MPBL at libo-libong estudyante rin sa nasasakupang siyudad at bayan ang tumatanggap ng scholarship o tulong-pinansyal at awtomatiko itong natatanggap ng mga scholar tuwing pasukan.

Si Cong.Alvarado ay sumusuporta rin sa kampanya ng kapulisan laban sa droga kaya hinihikayat nito ang mga kabataan sa kanyang distrito na ituon ang atensyon sa sports upang hindi malulong sa ile­gal na droga.

Ipinagmamalaki rin ng mga barangay officials ang kanilang kongresista dahil madali itong malapitan at hindi malayong masundan nito ang yapak ng kanyang amang si dating Gobernador Wily Alvarado na maging Governor ng Bulacan pagdating ng araw dahil sa kanyang taglay na katangian na isang mahusay at epektibong public servant.

MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.