MED REP PINASOK SA BAHAY, TINARAKAN

TINARAKAN

RIZAL – LABIS ang pagdadalamhati ng isang binata dahil narinig niya sa cellphone kung paano pinaslang ang kaniyang medical representative na girlfriend sa bahay nito sa Cainta.

Kinilala ang nasawing biktima na si Maria Kathrina Nakpil, 25-anyos.

Ayon sa awtoridad, magkausap sa telepono si Nakpil at kanyang kasintahan nang marinig nito na tila mayroong umaatake sa biktima.

Dahil sa pag-aalala, pumunta ang kasintahan ng biktima sa bahay nito at doon niya nakita ang duguang katawan ni Nakpil.

Samantala, iginiit naman ng mga kaanak ni Nakpil na walang kaaway ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, hindi sapilitang pinasok ang bahay ng biktima.

Sa ngayon ay mayroon na rin silang tatlong tinitingnang persons of interest sa krimen. PILIPINO Mirror Reportorial Team

2 thoughts on “MED REP PINASOK SA BAHAY, TINARAKAN”

  1. 277827 277374Id need to verify with you here. Which isnt something I often do! I take pleasure in reading a post that may possibly make folks think. Moreover, thanks for allowing me to comment! 828234

Comments are closed.