(Medalya ng Kagalingan kay SSgt. Cabillo) GAMBOA NAGPUGAY SA NAPATAY NA ANTI-DRUG COP

Archie Gamboa4

RIZAL – NAGPUGAY si OIC Philippine National Police (PNP)  Chief, Lt. Gen. Archie Gamboa sa napaslang na pulis sa kasagsagan ng anti-illegal drug operation sa Pililia.

Mismong si Gamboa ang naggawad ng Medalya ng Kagalingan (Medal of Merit) kay Staff Sgt. Michael Cabillo.

Nakaukit sa medalya ang gintong “kalasag” sheild at imahe ni Lapu-lapu.

Ibinigay ito ni Gamboa noong Sabado ng gabi sa maybahay ni Cabillo sa burol ng napaslang na pulis.

I offer my deepest condolences on behalf of the whole PNP members to the family of PSSg. Cabillo. Rest assured that the bereaved family of the late PSSg. Cabillo will get the full benefits as well as the other two wounded officers,” ayon kay Gamboa

Ayon kay Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Que­zon (CALABARZON) police spokesperson Lt. Col. Chitadel Gaoiran, kinikilala ng buong PNP ang “single act of heroism” ni Cabillo.

Samantala, binisita rin nina Gamboa at CALABARZON police director Brigadier Gen. Vicente Danao ang dalawang iba pang pulis na sugatan na sina Staff Sgt. Lazaro Guinao-wa at Patrolman Paul Ryan Santos.

Ang mga sugatang pulis ay nananatili sa PNP General Hospital sa Camp Crame at nabigyan ng cash assistance na tig-P20,000.

Ginawaran din ang mga ito ng “Medalya ng Sugatang Magiting”.

Ang tatlong pulis ay kasama sa buy-bust operation na ikinasa laban sa suspek na si Neser Tena sa Barangay Bagumbayan noong Oktubre 25.

Nabaril sa ulo at binawian ng buhay si Cabillo nang tangkain ni Tena na tumakas at magtago sa isang apartment.

Habang nasa loob, nagawa pang ma-hostage ni Tena ang siyam na bata bago tumakbo para tumakas, dahilan para habulin ito ng mga pulis.

Nagtamo ng mga sugat sina Guinao-wa at Santos nang magpalitan ng putok ng baril kay Tena, na kalaunan ay natamaan at binawian din kaagad ng buhay.

“Time and again, we are deeply saddened as another fellow police officer offered supreme sacrifice in the line of our duty. PSSg. Cabillo is a living testament that the PNP is dead serious in the wage against illegal drugs and our pledge to serve and protect the Filipino people,” ayon kay Gamboa. EUNICE C.

Comments are closed.