MEDALYA SA PULIS NA NAPASLANG SA DRUG OPS

ISABELA – BILANG pagkilala sa kaba­yanihan, katapangan  at pagpapahalaga sa tapat na tungkulin, tinungo ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Alba­yalde ang burol ni Sr. Insp. Michael Tubaña  na napaslang habang tumatalima sa kanyang tungkulin partikular sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Mallig.

Ang karangalan para kay Tubaña na hepe ng Mallig Municipal Police ay personal na iniabot ni Albayalde sa maybahay nito sa isang punerarya sa bayan ng Gamu.

Si Tubaña,  31-anyos,  na nagtapos sa Philippine National Police Academy Class 2011 ay may-asawa at isang anak.

Napaslang si Mallig nang magsagawa sila ng operasyon noong Linggo sa bayan ng Centro 1.

Samantala, iprinisinta nina PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, PC/Supt. Jose Mario Espino, Regional Director ng PNP Region-2, at Isabela Gov. Faustino ‘’Bojie’’ Dy, III sa mga mamamahayag kahapon ang dalawang suspek na pumatay  kay Tubania.

Kinilala ang mga ­inaresto na sina alyas Warren, 19-anyos, tricycle driver at alyas Kenneth, pawang residente ng Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga. IRENE GONZALES

Comments are closed.