MEDIA ID INISNAB SA CAVITE-PNP CHECKPOINT

CAVITE – BINALEWALA at di-binigyang ng kortisiya ang beteranong photojournalist na miyembro ng Cavite Press Corps at National Press Club na may coverage sa Tagaytay City makaraang sitahin ng dalawang pulis sa itinayong PNP checkpoint sa boundary ng bayan ng Silang at Dasmarinas City kahapon.

Base sa ulat na nakalap ng Pilipino Mirror, lumilitaw na hindi binigyan ng kortisiya at binalewala ang media identification na suot ng isang correspondent ng tabloid at miyembro ng Cavite Press Corps matapos sitahin ng 2 pulis pagsapit sa Cavite PNP checkpoint sa bayan ng Silang.

Nabatid na hindi nakuntento ang dalawang pulis sa suot na media ID at marked vehicle ng reporter/photog ay hinanapan pa ng drivers’ license at iba pang ID.

Napag-alaman din na nakasabit din ang dalawang camera sa harapang upuan ng sasakyan kaya inakala ng reporter na bibigyan siya ng kortisiya subalit nadismaya ito sa pag-uugali ng dalawang pulis.

Bukod sa media identification ng reporter/photog ay binalewala ang ipinakitang Cavite Press Corps at National Press Club identification card bago palagpasin sa PNP checkpoint bandang alas-3 ng hapon.

Ilang minuto rin ang itinagal ng paninita kung saan tinatanong ng dalawang pulis ang pupuntahan ng reporter at ano ang gagawin sa Tagaytay City pero yung ilang naka-motorsiklo at sasakyan ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Pinaniniwalaang may pinapaborang sasakyan ang mga nakatalagang pulis sa checkpoint kung saan kapag kilala o katropa na kahit may ilegal na dala ay mabilis na pinalalagpas. MARIO BASCO