MEDIALDEA PANALO VS. TULFO; VTI NAIS IBENTA NI LRY

MASAlamin

MULING uminit ang balita nang magsampang muli si Executive Secretary Salvador Medialdea ng pangalawang kasong libelo laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

Nakabase ang pangalawang kaso sa dalawang artikulo na isinulat ni Tulfo at lumabas sa pahayagang Manila Times. Agad itong pinabulaanan ni Medialdea at sinabing wala itong basehan, malisyoso at kasinungalingan lamang.

Dahil sa sinulat ni Tulfo, sinabi ni Medialdea na nakaapekto ito sa kanyang malinis na reputasyon at nakakasira sa imahe ng kanyang opisina, maging ang paningin ng publiko ay nababago dahil sa mali umanong opinyon ng kolumnista.

Nais ni Executive Secretary na harapin ni Tulfo ang dalawang kaso ng libelo sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act, dahil sinulat lamang ang mga ito upang yurakan ang kanyang pagkatao at sirain ang kanyang malinis na reputasyon.

Nag-ugat ang kaso matapos sabihin ni Tulfo na inupuan ng mahigit isang taon ni Medialdea ang apela ng isang nagngangalang Felicito Mejorada sa claim nitong P272.07 million mula sa gobyerno bilang reward money.

Saad ni Mejorada na nagbigay siya ng tip sa isang smuggling operation sa Mariveles, Bataan noong 1997 kaya siya qualified na makakuha ng gantimpala.

Subalit inakusahan ni Tulfo si Medialdea na humihingi umano ng P72 million, sa pamamagitan ni Vianney Garol, para ma-release ang reward money.

Ngunit hindi ito tinanggap ni Medialdea at sinagot ang alegasyon ni Tulfo, isa-isa, punto por punto.

Saad ni Medialdea, ang apela ni Mejorada ay naka-pending pa sa Office of the President ng tatlong buwan.

Ayon pa kay Medialdea, sinabihan na niya ang Department of Finance, na nauna nang tinanggihan si Mejorada sa request na reward money kaya nag-apela ito, na ilabas na ang mga dokumento ng kaso at sinabihan din niya ang National Bureau of Investigation para alamin ang katauhan ni Garol, na hindi kakilala ni Medialdea.

Sa katotohanan, mas makatotohanan ang mga sinasabi ni executive secretary.

Simula nang ma-appoint siya sa puwesto noong 2016, hindi pa nadawit ang pangalan ni Medialdea sa kahit  na anong kontrobersiya, at ang katoto-hanan ay mapagkumbaba at matahimik na tao itong si Medialdea sa mga Duterte Cabinet.

Patuloy pa rin ang tiwala ni President Rodrigo Duterte kay Medial­dea, at kilala si Pangulong Duterte sa pagsibak ng mga opisyales na gumagawa ng kalokohan sa gobyerno kahit pa mga kaibigan niya ang mga ito.

Sa patuloy na tiwala ni Presidente kay Medialdea ay palagi pa niya itong itinatalaga bilang caretaker ng pamahalaan kung siya ay nasa abroad sa mga official visit.

Kumpara kay da­ting Presidente Noynoy Aquino, noong dumalo ito ng 12-day trip sa Europe at sa US ay hindi niya itinatalaga ang kanyang execu-tive secretary bilang caretaker ng pamahalaan, kaya naman ang dating Presidential Spokesperson na si Edwin Lacierda ay sinasabi sa mga nagtatakang mga reporter na: “the reins of government will be handled properly by the de­signated officials.”

Malinaw na ang pagtalaga ng caretaker habang ang Presidente ay nasa malayong lugar ay nasa desisyon ng Pangulo, at ito ay pinatunayan ni Duterte sa pagtitiwalang ibinibigay niya kay Medialdea.

Para naman kay Tulfo, na sinasabi niyang siya ay hard-hitting journalist na tumutulong sa mahihirap, madalas na nahaharap siya sa gulo hindi lamang isa o dalawang beses.

Noong 2018, ang dating Justice Secretary na si Vitaliano Aguirre ay nagsampa rin ng kasong libelo kay Tulfo dahil tinawag siya nitong mandhin o “callous” na nagdulot ng kasiraan sa kanyang pangalan. Lumabas ang artikulo sa Inquirer, Bandera, at inquirer.net sa mga araw ng August 26, 2017, September 19, 2017, October 14, 2017 at April 3, 2018.

Kailan lamang ay nagsampa rin si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam ng kaso kay Tulfo matapos tawagin siya ni-tong “the No. 1 intriguer in the PCSO” at sinabi pang may mga shabu na dumating sa pagmamay-a­ring resort ni Cam sa Catanduanes base lamang sa ulat ng pulisya. Ang dalawang kolum ay lumabas sa Manila Times.

“Ramon Tulfo’s published libelous article containing accusations that I am a corrupt government official and a drug trafficker are false and are but malicious imputations of crimes tending to cause dishonor and to discredit me in my personal and official capacity,” saad ni Cam sa inihaing kaso.

Sino  ba ang maka­kalimot sa pumutok na balita na nakipagsuntukan itong si Tulfo sa isang showbiz couple sa loob ng airport, na lumabas bilang isa sa Top 10 Smackdowns in 2012?

Malinaw na malinaw na kung character, track record at reputasyon ang pag-uusapan, lamang na lamang si Medialdea kay Tulfo.

Hindi rin hiningi ni executive secretary sa matagal na niyang kaibigan na si Presidente Duterte na sibakin sa puwesto si Tulfo bilang special envoy to China sa kabila ng pag-atake sa kanya.

”Of course I will never do that.  I am not a cry baby like Mon Tulfo who is now conveniently saying that he is a journalist being harassed,” wika ni Medialdea.

Salita ng mga tunay na lalaki.

LRY GUSTONG IBENTA ANG VTI?

Ating naulinigan mga kamasa na ang totoong dahilan ng kaguluhan sa isang dambuhalang bus company na nakabase riyan sa Bacolod ay ang kagustuhang ibenta ni Leo Rey Yanson ang VTI o ang Vallacar Bus Transit sa highest bidder.

Ito umano ang paliwanag sa dahas na ginamit upang maokupa ang lahat ng terminal at mga corporate headquarters sa Mansilingan compound sa Bacolod City. Ibig umano ni LRY na makuha ang lahat ng mga corporate documents na magagamit nito sa pagbebenta ng nasabing dambuhalang kom-panya ng bus.

Ang obserbasyong ito ay mula mismo kay Emily Yanson, kapatid ni LRY, matapos magpalutang ng false claims ang huli laban sa apat nitong kapatid na sina Roy, Celina, Ricky kasama na si Emily, na pag-ransack umano sa mga corporate office ng kompanya na nauwi sa pagkawala ng mga importanteng dokumento.

Pinabulaanan naman ni Emily ang pahayag na ito ng kapatid dahil bilang vice president for administration at corporate secretary, responsibilidad ng una ang pag-secure at pagtatabi sa mga corporate papers.

“Why would we ransack our own offices and steal those documents which Leo Rey claims to be missing? We were occupying the offices for weeks now, and during this whole time, Leo Rey was even there, freely checking and spending his time leisurely as our director?”

“While Leo Rey claims that they will begin auditing these documents, he immediately claims that some documents are already missing? Ganu’n kabilis ang auditing na ginawa? Weekend pa? A liar is really caught by his own lies,” ang ginawang pahayag ni Emily Yanson na nakaranas ng apat na araw na pahirap sa Mansilingan compound samantalang nasa may 300 mga pulis ang pumwesto sa mga gate ng compound na pilit silang inaaalis.

Naniniwala si Emily Yanson na gusto lamang ibenta ng nakababatang kapatid ang kompanya na pinaghirapang ipun­dar ng kanilang ama.

“Remember, Leo Rey even remarked in his first interview with the media that he offered Roy to just break the company apart by a toss of a coin,” pahayag ni Emily.