NAGKASUNDO ang Joint Task Forces COVID Shields (JTF-COVID-19), airline company officials at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na kailangan ay may medical clearance certificate ang mga pasahero bago sumakay ng eroplano.
Ayon ay JTF COVID-19 Commander P/LtGen Guilllermo Eleazar, hiniling ng Airline Industry Stakeholders sa Inter-Agencies Task Force- for Managing Emerging Infectious Diseases na hilingin sa lahat ng domestic airline passengers na magpakita ng medical clearance certificate bago makasakay ng eroplano
Sa ginanap na online consultative dialogue ng JTF-COVID-19, mga opisyal ng airlines kabilang ang air transportation agencies ay tinalakay ang iba’t ibang hakbang para maisaayos ang pagpapatupad ng health safety protocols para epektibong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng mga biyahero.
At pinaboran sa nasabing pagpupulong ang rekomendasyon na kinakailangan nai- require ang lahat ng airline passengers na kumuha muna at magpakita ng medical clearance certificate bago payagang makasakay ng eroplano.
Gayundin, ang nasabing clearance ay magsisilbing ‘peace of mind’ para sa mga LGU-destination na ang lahat ng darating na pasahero ay ligtas sa COVID-19 disease.
Ang medical clearance certificate ay kailangan inisyu ng City or Municipal Health Office ng LGU-origin, o Department of Health-accredited clinics and hospitals. VERLIN RUIZ
Comments are closed.