MEDICAL DIRECTOR TINAMBANGAN

CAGAYAN DE ORO-TINAMBANGAN ang medical director ng isang parochial run hospital nang dikitan at pababarilin ng riding in tandem sa 12th-29th St., Barangay Nazareth sa lalawigang ito.

Base sa ulat, namatay din ang biktimang si Dr. Raul Andutan, may asawa, opisyal ng Maria Reyna-Xavier University Hospital sa Barangay Nazareth ng nasabing lungsod habang tinatangkang maisalba ang kanilang pinuno.

Ayon kay Maj. Evan Viñas, tagapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office,si Andutan ay kasalukuyang medical director ng hospital na pag-aari ng mga pari at madre sa lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon na lulan ang biktima ng kanyang kulay grey na Toyota Fortuner na may plakang CAB 6998 nang tambangan ng riding in tandem habang papasok sa hospital.

Hinihinalang sinundan ng mga salarin ang biktima mula sa bahay nito at nang makakuha ng tiyempo ay agad itong binaril ng tatlong beses gamit ang kalibre .45.

Nagtamo ng tatlong tama ng mga bala ang biktima sa kanyang leeg na dahilan ng daglian nitong kamatayan.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang kakikilanlan ng mga salarin at motibo sa pananambang sa biktima. VERLIN RUIZ