MEDICAL EVAC HINARANG NG CHINA COAST GUARD

NAGLABAS kahapon ng video ang Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapakita na pilit umanong pinipigilan ng China Coast Guard ang isinasagawang emergency medical evacuation para sa may sakit na tauhan ng Philippine Navy na ka-stationed sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesman for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, “The Philippine medical mission was harassed by vessels and small boats from the China Coast Guard through blocking operations.”

“Barbaric and inhumane behavior” mariing pahayag ni Tarriela sa ginawang aksyon ng China Coast Guard.
Pilit umanong hinaharang at binangga pa ng China Coast Guard vessels ang mga maliliit na bangka na sinasakayang ng mga sundalong nagsasagawa ng medical evacuation.

“Despite informing the Chinese Coast Guard via radio and public address system about the humanitarian nature of our mission for medical evacuation, they still engaged in dangerous maneuvers and even intentionally rammed the Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat,” ayon sa ibinahagi ng pahayag ni Tarriela.

“The CCG intentionally rammed as we transferred the personnel from the PN RHIB. The rendezvous point is at 15.43 nautical miles southeast off northeast Entrance of Ayungin Shoal,” diin pa nito.

Sa halip namang tumugon ang China ay naglabas naman sila ng footage nang umano’y lambat na inilatag ng mga Chinese fishermen na sinira umano ng mga tauhan ng gobyerno ng Pilipinas.
VERLIN RUIZ