TINAYA ng isang grupo na aabot sa 18.3% ang pagtaas sa gastusin sa pagpapaospital o pagpapagamot ngayon taon.
Ito ay epekto umano ng inflation o bilis ng galaw sa pagtaas sa presyo ng bilihin kasama ang mga gastusin sa manufacturing ng mga gamot at mga kagamitan.
Habang ikinokonsidera rin na kabilang sa sanhi ng mataas na hospitalization ay ang pagpapasuweldo sa mga healthcare staff gaya ng mga nurse at iba pang nagtatrabaho sa ospital.
Upang mabilis ang serbisyo sa mga ospital, kailangan ng sapat na nurse at iba pang health workers at isa sa isyu na dapat tinutugunan para huwag kapusin ang nurse at iba pang health workers ay ang pagkakaroon ng tamang pasweldo.
Kaya naman tinutugunan ito ng mga ospital na magkaroon ng tamang pasuweldo.
Kaya ang mga pagpapataas sa sweldo ng mga health worker ay kabilang sa factor sa medical inflation.
Kabilang sa mga ikinokonsidera naman ang mataas na professional fee ng mga doktor, mga laboratory test at alegasyong over pescription na idinepensa naman ng mga dalubhasa.
Paliwanag naman ng mga dalubhasa na walang over pescription at iyon ay ginagawa para sa mabilis na gamutan habang ang mga lab test ay upang matukoy ang sakit.
Bagaman hindi na mapipigil ang pagtaas sa gastos ng pagpapagamot, handa naman ang pamahalaan na sumaklolo sa mga walang kakayahan.