MEDICAL LICENSURE EXAM, PINAMAMADALI

Rida Robes

UPANG matugunan ang pangangailangan sa mga doktor at iba pang medical frontliners, nanawagan ang isang House panel chairperson sa Professional Regulation Commission (PRC) para payagan na ang medical graduates na kumuha ng kanilang licensure examinations.

Ayon kay San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes, pinuno ng House Committee on People’s Participation, makailang ulit na ipinagpaliban ng PRC ang itinakda nitong pagsusulit dahil na rin sa umiiral na Covid-19 pandemic.

Subalit, giit ng San Jose Del Monte City lady lawmaker, ang postponement ng naturang licensure exam ay nagresulta o nakaapekto sa pangangailangan ng medical doctors, na silang pangunahing alagad ng bansa sa pangangalaha at pagpapagaling sa mga pasyenteng tinamaan nf nasabing pneumonia-like virus.

“The several postponements have added to the anxiety of medical graduates and interns who were scheduled to take the March 2020 examinations but have been required to help in the anti-Covid-19 efforts of the government without the required eligibility. The conduct of the examinations and the subsequent passing of the medical interns and graduates will enable them to join the frontliners in full confidence and without the fear of discrimination.” Sabi pa ni Robes.

Napaulat na mayroong pangangailangan ang Filipinas ng hanggang sa  63,000 medical doctor.

Nabatid kay Robes na ang mga medical graduate ay nakatakda sanang kumuha ng kanilang licensure examination noong nakaraang Marso 2020 pero naipagpaliban ito bunsod ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mayroon naman umanong pahayag ang PRC Board of Medicine na ang naturang examinations ay gagawin na lamang sa darating na buwan ng Setyembre, subalit may ilang impormasyong naman na nagsasabing posibleng sa Nobyembre na lamang ito matutuloy dahil hindi pa umano handa ang software platform na gagamitin para sa computer-based examinations.

Kaya naman hiniling din ni Robes sa PRC na tutukan at madaliin ang pagbuo ng electronic media platform para sa Physician Licensure Examinations lalo’t ang mga inaasahan na makapapasa dito ay makadaragdag sa aniya’y kinukulang at “overworked medical frontliners” na silang lumalaban sa novel coronavirus sa iba’t-ibang ospital at medical institutions sa buong bansa. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.