MEDICAL MARIJUANA APRUB NA SA KAMARA

MEDICAL MARIJUANA-3

NAKALUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukala para gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Sa botong 163 Yes, 5 No at 3 Abstention ay naaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 6517.

Sa ilalim ng panukala, magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Centers sa ilalim ng Department of Health.

Ito ang kokontrol ng pagbebenta ng medical marijuana sa mga pas­yenteng nangangaila­ngan nito.

Ang mga kuwalipikadong pasyente na reresetahan ng medical marijuana ay kailangang nakarehistro at bibigyan ng identification card.

Itatatag din ang Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facility para mas masusing mapag-aralan ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Ang PDEA naman ang magbabantay at titiyak sa wastong pagbibigay ng medical marijuana sa mga pagamutan. CONDE BATAC

Comments are closed.