PASADO na sa plenaryo sa ikalawang pagbasa ang panukala ni Isabela Rep. Rodito Albano para sa legalisasyon ng medical marijuana.
Sa viva voce vote ay nakalusot sa ikalawang pagbasa ang substitute bill ng House Bill 6517.
Sa ilalim din ng panukala, itatayo ang medical cannabis compassionate center sa ilalim ng DOH na kokontrol ng pagbebenta ng medical marijuana sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Ang mga kuwalipikadong pasyente na reresetahan ng medical marijuana ay kailangang nakarehistro at bibigyan ng identification card.
Itatatag din ang Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facility para mas masusing mapag-aralan ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
Binibigyan din ng poder ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tumulong sa pagbabantay sa pagbebenta at paggamit ng medical marijuana. CONDE BATAC
Comments are closed.