MEDICAL MISSION SA 200 PWDs

NAGSAGAWA ng isang dermatology medical mission ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa mga persons with disabilities (PWDs) nitong Biyernes.

Ang Beauty Beyond Borders na pinamumunuan ni Dr. Aivee Aguilar-Teo ang nagsagawa ng libreng dermatology consultation at treatment sa 200 PWDs na may mga problema sa kanilang balat.

Ang PWDs na benepisyaryo ng isinagawang medical mission ay naging masaya sa serbisyong konsultasyon at treatment dahil mayroon pang ipinagkaloob sa mga ito na Christmas gift packs na nagmula sa Beauty Beyond Borders at lokal na pamahalaan.

Layon ng pamahalaang lungsod na masiguro na maayos ang pagbibigay ng serbisyosa mga residente ng lungsod. MARIVIC FERNANDEZ