DAAN-DAANG sibilyan at uniformed personnel ang lumahok sa Joint Medical Mission na idinaos kamakailan sa Department of National Defense (DND) Multi-Purpose Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Naging matagumpay ang medical mission sa pakikipagtuwang sa DND ng Knights of Rizal – Panday Chapter at Sumacs-Orthomolecular Wellness Center sa pamamahala ni Dr. Roberto Cajanding Uy at kanyang team.
Ang Joint Medical Mission ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng AFP Munitions Control Center (AFPMCC).
Naging tampok naman ang kuwento ni Ret. Philippine Army Col. Dante Dinsay na nalabanan at nakaligtas sa cancer matapos na siya ay sumailalim sa ilang sesyon ng treatment sa Sumacs Clinic.
Binigyang-diin ni Dr. Uy na “the body heal itself. Just give the body what it needs to fix itself,” sa tulong din ng orthomolecular medicine.
Kasama sa procedure para sa wellness ng Sumacs ay ang live blood screening, bio-resonance, ozone insufflication, autohemotherapy at Na-noVi.
Comments are closed.