MEDICAL PROFESSIONALS KAILANGAN SA MAYNILA

SA gitna ng surge ng kaso COVID-19, pinalalakas ng Maynila ang healthcare system nito sa pamamamagitan ng pagkuha ng mas marami pang medical at health care professionals.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nilagdaan na nito ang appointment papers ng may 30 doctors, nurses at medical technologists na kailangang-kailangan sa panahon ngayon.

Inaasahan na magbibigay ng karagdagang puwersa ang mga bagong pasok na medical personnel sa kasalukuyang bilang ng mga medical frontliner na nagsisilbi sa lungsod at mababawasan nito ang bigat ng trabaho ng mga health worker sa anim na city-run hospitals.

“Kung gusto ninyong maglingkod sa bayan, we are hiring. We will not stop hiring to reinforce our medical institutions. Nais naming lalo pang palakasin ang ating mga ospital at nang hindi masyadong gastado ang mga health workers. Para maging maganda ang shifting ng mga doktor, marami sa kanila pagod na pagod na but we canot stop ser­ving the people,” ayon kay Moreno.

Sa kabila na wini-welcome ng pamahalaang lungsod ang mga aplikante, si Moreno ay nananawagan sa mga mag-a-apply na ihanda ang sarili sa pagbibigay ng lubos ng pang-unawa at pasensya sa mga pasyente.

“Sana, bago kayo pumasok sa public service, pinauuna ko na, mahirap maglingkod sa taumbayan dahil umaasa sila ng mahabang pang-unawa. Di pwede nakasimangot, bumubulyaw o mapikon dahil tayo ay pagod na dahil mas pagod ang taumbayan emotionally, psychologically and physically. Higit sa lahat, economically,” sabi ni Moreno.

Binigyang diin ni Moreno na maganda ang benepisyo ng nagtatrabaho sa gobyerno, bukod pa sa pagkakataong ibinibigay upang makapaglingkod sa taumbayan.

“Kailangan lamang nating habaan ang pasensiya at pang-unawa ang pairalin. Bago kayo pumasok sa pamahalaan, tanungin ninyo ang inyong sarili. Are you ready to serve? Because the people deserve beter things from government,” pagdidiin ni Moreno. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “MEDICAL PROFESSIONALS KAILANGAN SA MAYNILA”

Comments are closed.