TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar na ide-deploy niya ang Medical Reserve Force (MRF) upang tumulong sa COVID-19 situation sa Batangas sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Eleazar, “Doble ang trahedya na kinakaharap ng ating mga kababayan sa Batangas at ako ay humahanga sa katatagan na ipinapakita nila at ng kanilang LGUs sa pagtugon dito gaya ng nakita ko sa pagbisita ko kahapon.”.
Nauna rito, sinabi ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na puno na ng COVID-19 patients ang mga ospital sa kanilang lalawigan kabilang na iyong mga may co-morbidities.
Binisita ni Eleazar ang ilang evacuation center sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo para alamin ang kundisyon ng mga evacuee gayundin ay tingnan ang seguridad at iba pang pangangailangan ng mga apektado ng pag aalboroto ng bulkang Taal.
“Subalit gaano man katatag ay maaring bumigay din kung hindi natin tutukuran ng suporta. That is why I ordered our Medical Reserve Force to be ready for possible deployment to Batangas to assist in attending to the medical needs of the evacuees,” ayon sa PNP Chief.
“Sa ngayon ay nangangalap din kami ng tulong na maipapaabot sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano at makakaasa ang ating mga kababayan doon ng ating patuloy na suporta sa mga sususunod na araw at habang wala pang katiyakan ang sitwasyon doon,” dagdag pa niya.
Binigyang diin pa ni Eleazar na handa ang mga pulis na ipatupad ang minimum public health safety standards sa mga evacuation facility para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Naglatag na ng Police assistance desk para magbigay tulong sa mga evacuee.
Ayon sa PNP Chief, ipinag utos na rin niya ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint para pigilan ang mga residente na bumalik sa kanilang tahanan na nasa loob ng Permanent Danger Zone o sa iba pang ipinagbabawal na lugar kasunod ng kasalukuyang estado ng bulkang Taal na ngayon ay nananatili sa Alert Level 3. VERLIN RUIZ
240101 590713I genuinely enjoyed reading this website, this is fantastic blog. 673892
778339 179199Id always want to be update on new weblog posts on this internet website , bookmarked ! . 106509
14749 615359 An fascinating discussion is worth comment. I feel that you ought to write more on this subject, it might not be a taboo subject but normally people are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 306807
374227 43349Spot lets start function on this write-up, I in fact believe this amazing website requirements additional consideration. Ill far more likely be once once again you just read additional, thank you that details. 401