KASONG gross negligence at gross incompetence ang isinampa ng pamilya Dacera laban sa medico legal na sumuri sa labi ni Christine Angelica.
Ito ay makaraang kuwestiyunin ng legal counsel ng pamilya Dacera na si Atty. Brix Reyes kung bakit sinabing natural death ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga.
Gayundin, kinuwestiyon pa ni Reyes ang ginawang pag-embalsamo sa katawan ni Dacera bago isinagawa ang autopsy.
Aniya, dahil dito ay nawala ang pangunahing ebidensiya gaya ng pagsusuri ng toxicologist.
Nauna rito, sinabi ng medico legal na hinayaan na maembalsamo ang labi ni Christine para mapreserba ito.
Magugunita, sa death certificate ni Dacera ang naging sanhi ng pagkamatay nito ay aortic aneurysm na ibig sabihin ay pagputok ng pinakamahalagang ugat sa katawan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.