Sabi nila, sng Mediterranean diet ay kinokonsiderang gold standard para sa nutrisyon, disease prevention, kalusugan, at longevity, base sa nutrition benefits at sustainability nito.
Dito kasi, ang kakainin lamang ay gulay, prutas, whole grains, isda, nuts, lentils pero sa Pilipinas munggo na lang at olive oil.
Pwede rin naman ang manok, itlog at iba pang dairy products, pero in moderation, at kung pwede, walang baby at baka. Well, pwede rin naman basta paminsan-minsan lang.
Bawal sa Mediterranean diet kanin, trans fats, processed meats, soft drinks at iba pang highly processed foods tulad ng instant noodles.
Bininigyang diin dito ang organic food para raw makaiwas sa multiple chronic diseases at mapalawig ang life expectancy.
Ayon sa pag-aaral, may preventive effect ang Mediterranean diet laban sa ilang uri ng cancer.
Intended talaga ang diet na ito upang mapababa ang heart disease risk, ngunit napatunayang ang plant-based, high unsaturated fat dietary pattern diet na ito ay makatutulong din sa pagpapababa ng timbang.
Kumpara sa low fat diet, mas madaling pumayat gamit ang Mediterranean diet. Kung low carb diet naman ang pagkukumparahan, halos parehong lamang ang resulta.
Ang maganda pa sa Mediterranean diet, pumapasok sa katawan ang maraming antioxidant-rich foods, na nakatutulong upang labanan ang pamamags at oxidative stress dahil nanu-neutralize ang free radicals.
Ayon pa rin sa pag-aaral, nakatutulong ang Mediterranean diet na mabawasan ang risk of mental disorders, Kasama na ang cognitive decline at depresyon.
Ngunit may downside din ito. Hindi ka kakain masyado ng dairy products kaya kailangan mo ng calcium at vitamin D supplement sa Mediterranean diet.
Sa pangkalahatan, Kumain ka ng maraming gulay at prutas, isda, at nuts. Iwasan ang processed food tulad ng tocino, hotdogs, ham at iba pa.
Ang Mediterranean diet ay hindi weight loss diet kundi overall health maintenance. RLVN