MEDIUM STRATEGIES SA EPEKTO NG INFLATION IPATUTUPAD

BAGAMAN ikinagalak ang pagbagal ng inflation rate nitong Abril, nanindigan si Budget Secretary Amenah Pangandaman na patuloy ang kanilang pangako na magpapatupad ng kinakailangang medium strategies upang ibsan ang epekto ng inflation sa consumers kasama na sa bilis ng pagtaas ng presyuhan sa pagkain, transport, at energy security.

“Nevertheless, we will remain committed to pushing for the implementation of immediate and medium-term strategies to cushion the impact of inflation on our consumers, including food, transport and energy security,” ayon kay Pangandaman.

Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraang bumagsak sa 6.6% ang inflation rate para sa katatapos na buwan ng Abril na mas bumagal ng isang porsyento kumpara sa 7.6 percent noong Marso na ikatlong pagbaba mula sa 8.7% noong Enero.

Sinabi ni Pangandaman na welcome sa kanila ang downtrend ng inflation.

“PSA’s data goes to show that our projection of a decelerating inflation rate will continue. And hopefully, we will be able to achieve our Medium Term Fiscal Framework (MTFF) target range of 2.0 to 4.0 percent between 2024 and 2028,” anang Budget Secretary.

Sa briefing kahapon, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng inflation rate.

Kumpiyansa naman si Pangandaman na kaya bumagal ang inflation sa nakalipas na tatlong buwan ay dahil naging epektibo ang whole-of-government approach na ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. EVELYN QUIROZ