Jayzl Villafania Nebre
KAMAKAILAN ay na-feature natin ang Mount Batulao, isang dormant stratovolcano. Ngayong araw na ito, isa na namang dormant stratovolcano ang ating ipakikilala sa madla, ang Mount Maculot na matatagpuan sa Cuenca, Batangas.
Sikat ang nasabing bundok sa mga mountain climbers and campers. Ayon sa matatanda, banal ang nasaing bundok, lalo na sa mga Kristiyano at Anitists. Pero hindi lamang ‘yon. Ayon sa alamat, dito naninirahan si Bathala, ang sinaunang diyos ng Katagalugan.
Kayang akyatin ang Mt. Maculot South Peak sa loob lamang ng apat na oras na hindi ka nagmamadali at may sapat na pahinga. Ang ibang hikers nga, kaya ito ng tatlong oras lamang or less. Sa madaling sabi, sa loob ng walo o pitong oras, kaya mong umakyat at bumaba sa bundok. Kung magsisimula ka ng 6:00 am, pihado, around 2:00 pm, nakababa ka na. At pwede mong gawin ito any day of the week sa buong taon, huwag lang kung may bagyo.
Napakaganda ng panoramic views sa sikat na Taal Lake at sa mga nakapaligid na bayan sa Batangas kapag narating mo ang tuktok ng Mt. Maculot. May taas itong 930 meters above sea level o 3051 feet. Mat taas namang 706 meters above sea level o 2316 feet ang batuhan ng Mt. Maculot. Dahil nga halos 1000 meters above sea level ito, makikita ang bundo sa Puerto Galera at iba pang bahagi ng Northern Mindoro province.
Matatagpuan sa gitna ng Batangas province, ang Mt. Maculot ay isa sa pinakamalapit na bundok sa Meto Manila.
Dahil dito, dinadayo talaga ito ng maraming hikers at mountaineers lalo na kung weekends at kung tag-araw. Tatlo ang main destinations ng Mt. Maculot. Una, ang batuhan o Rockies; ikalawa, ang tuktok o summit; at huli, ang Grotto na 510 meters above sea level. Pinakapopular dito ang Rockies, dahil sa magandang view.
Alam nating ang ibig sabihin ng Kulot ay “curly”. Ito ang naging pangalan ng bundok dahil dati raw naninirahan dito ang mga Aetas na kulot ang buhok. Sa ngayon, wala nang Aeta sa bundok na ito.
Kitang kta sa Mt. Maculot ang Taal Lake at mga talampas ng Batangas, rock formations, at kagubatan. Ito raw ang dahilan kung bakit ito ang paboritong tahanan ni Bathala ang nasabing bundok. Ayon sa alamat, dito nanginginain ang ginintuang kabayo ni Bathala na nakagagawa ng kidlat at apoy kapag tumatakbo. Kadalasang binabagtas nila ang daang patungo sa bulking Taal upang itago ang mga perlas, rubi, ginto at briyanteng iniaalay sa nasabing diyos.
Kadalasang ginagawa umano ni Bathala ang pamamasyal sa bukang liwayway o kaya naman ay sa takipsilim. Kung mapagkasunduan ninyong magsimula sa madaling araw ng inyong hiking, at tapusin ito dakong 6:00 pm, may dalawang pagkakataon kayong makasalamuha si Bathala at ang kanyang kabayo.
Ayon sa matatanda, hanggang sa kasalukuyan ay nakikisalamuha pa rin si Bathala sa mga tao, ngunit sa balatkayong karaniwang magsasaka na sakay ng patpating kabayo. Malay ninyo, baka kasabay ninyo siyang umakyat sa Mt. Maculot.
Sa kabuuan, sana lang na-enjoy ninyo ang Mt. Maculot traverse day hike. Kung wala kang kasama, makisingit ka na lang sa mga grupo. Hindi ka maliligaw pero mabuti na ang sigurado. Better safe than sorry, ika nga.