MISS NICARAGUA BAGONG MISS UNIVERSE
NASUNGKIT ng pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios, 23-anyos, ang Miss Universe title sa katatapos na beauty competition sa El Salvador.
Tinalo ni Palacios na isang model ang mga kinatawan ng 83 bansa.
Nagsimula ang journey ni Sheynnis sa pageantry noong 2016 kung saan siya rin ang nanalong Miss Nicaraguan Teen.
First runner up naman ang pambato ng Thailand na si Anntonia Porsild habang second-runner up si Miss Australia.
Ang pambato ng Pilipinas na unang paborito at tumanggap ng matinding palakpak sa rampa na si Michelle Marquez Dee ay nakatanggap ng dalawang special awards at umabot sa Top 10.