Celebration ng birthday ko noong June 28 sa Ayala Malls para maiba naman. Kasama ang aking pamilya at mga kaibigan, nag-enjoy ako talaga, lalo pa ay kinantahan ako ng happy birthday, at kamukha ko pa raw si Karla Estrada.
Pero ang surprise talaga, nakasama namin si Francine Diaz.
Naghihintay kaming matawag para sa reservations ng eat-all-you can sa Food Club nang pero sobrang maaga pa kaya naglibot-libot muna kami sa Mall. Incidentally, nakita namin si Francine Diaz na nagkakape sa Seattle’s Best.
Walang make-up, walang borloloy, at walang ere. Agad niyang pinagbigyan ang pinsan kong si Gab na nagpa-picture. Kinausap niya kami at binati pa ako ng happy birthday.
No wonder, Marami siyang tagahanga. Napakabait pala niyang bata. I know, sisikat pa siya. Malay mo, maging next Kathryn Bernardo siya in the future.
CLEO FELITA V.