Kapag sinabing “meeting of the minds” ito yung nagkaroon kayo ng mutual agreement, mutual assent, at consensus ad idem. Ibig sabihin, lahat ng parties involved sa isang legal na kontrata ay amenable at agreeable sa lahat ng terms and conditions.
Isang halimbawa ng consensus ad idem. Bago magkaroon ng kasunduan ang dalawang tao o partido, kailangang may consensus ad idem. Yung nagkasundo sila tungkol subject matter na walang tutol bawat panig. Halimbawa na lamang, ang dalawang taong magpapakasal na nangakong magsasama habambuhay sa hirap at ginhawa.
Yes po, kontrata din ang kasal, at panghabambuhay ito kaya dapat ay seryosong usapan.
Sa kasamaang palad, dito sa Pilipinas, ang kasal ay hindi lamang sa pagitan ng dalawang taong magpapakasal. Sa ating kasi, kasama sa tradisyon ang pagpapaalam sa pamilya. In other words, angkan o lahi ang pakakasalan mo, at may “say” sila — kamag-anak, magulang, lolo, lola, pati kaibigan — sa mangyayaring event, na kasalan nga. At sa halip na makatulong, madalas, nakakadagdag pa sila sa problema, lalo pa nga at hindi sila magkasundo sa maraming.
Balik tayo sa meeting of two minds. Ang marriage contracts ay espesyal na kontrata, kung saan walang kasiguruhan, ngunit mayroong duty of good faith o pananalig sa isa’t isa sa panahon ng negosasyon. Yung negosasyon po ay yung panahon ng ligawan at nung time ja magdyowa na sila.
Ang susi na mahalaga sa kasalan ay disclosure. Dapat, alam ni partner ang lahat ng income, assets, utang, at liabilities, bago ang usapang kasal. Kasama sa liabilities kung may anak sa labas, may kapatid na pinag-aaral, magulang na may sakit na dinusuportayan, at kung anu-ano pa. Tayo kasing mga Pinoy, ang daming liabilities kahit hindi naman dapat.
Kung tutuusin, ang kasal ay isang covenant sa pagitan ng babae, lalaki at ng Diyos – for a lifetime. Wow, heavy! Pero yun talaga yon.
Sa batas ng Pilipinas kung saan walang diborsyo at napakamahal ng annulment, hindi naman sapilitan ang kasal. Isa itong voluntary at private agreement sa pagitan ng dalawang nagpapakasal — sa ngayon. Ngunit noong araw, noong panahong magulang ang nagdedesisyon kung sino ang makakaisang palad ng anak, ang kasalan ay masasabing clan meeting, kung saan lahat ng ideya ng mga nakatatanda ay kailangang pakinggan — na pati ang size ng lechon sa mesa, pinagbabangayan. (Juice colored, true po iyan!)
Okay. Sa batas, ang kahulugan ng marriage contract ay kasunduan o engagement sa pagitan ng lalaki at babae na magsasama at magmamahalan bilang mag-asawa — na hindi kasama ang iba pa. Simply said, hindi naman talaga kasama ang mga amuyong … Este, ang mga kaanak pala — sa pinirmahang kontrata ng mag-asawa. Simpleng kontrata lang ito na hindi kailangang maging matalino ka para maintindihan. At sa kabila ng bonggang handaan at masalimoot na talakayan, ang pinagkaguluhang kasal, mauuwi lang pala sa hiwalayan. Pero hindi sa dalawang mag-asawang aming nainterbyu. Pinangatawanan nila ang kanilang sinumpaan sa harap ng altar.
Romeo Garcia at Ma. Luisa Macabuhay – Garcia
Luisa: Sobrang thankful ako sa Diyos for giving me a good man. He is responsible, sensible and a good husband. He has been tested by time and challenges, but he never turned his back. Hencan ride my topak, and supports me in all my endeavors. He is the only person who can love me no matter how I look — pretty or ugly.
Meo: I married Luisa because I felt a special bond between us. Kahit bata pa kami noon, alam ko, siya talaga ang kapares ng aking puso.
Ngunit nagkaroon kami ng malaking pagsubok. Nagkaroon siya nt cancer at akala ko’y mawawala na siya sa amin. Compounded pa ito ng ibang struggles dulot ng mga naging problema namin sa negosyo.
Nalampasan namin iyong at kahit paano ay okay na kami. Hindi okay na sobrang okay, pero basta walang nagkakasakit, lahat, okay lang.
Pangako ko kay Baby noong ikasal kami na magsasama kami at magmamahalan habambuhay, sa hirap at ginhawa at ganoon pa rin ang pangako ko ngayon. Nagpapasalamat din akong siya ang babaing pinakasalan ko . Maasikaso siya at mapagmahal sa pamilya. Always kami ang priority niya sa buhay.
Marco Carcillar at Kimberly Racaza Carcillar
Kim: Hindi ko inisip na magtatagal kami noong una kaming magsama. Nagplano kaming magpakasal, ngunit napakaraming problema. Ilang beses kaming nagtangkang maghiwalay, ngunit marahil, kami talaga ang itinakda kaya pagkakataon ang gumawa ng paraan upang hindi ito matuloy. Siguro, blessing in disguise na nagkasakit ang anak naming si Kendra. Sa totoo lang, siya ang nagpatibay sa aming relasyon.
Marco: Bata pa kami at mahina ang emosyon nang magpasiya kaming magsama. Hindi na tuloy ang kasal for so many reasons, at isa dito ang adjustment, dahil magkaiba ng magkaiba kami ng environment na kinalalhan.
Dumagsa rin ang pagsubok, na kung sa iba dumating ay baka sumuko na umpisa pa lamang. Pero kami ni Kim, lumaban kami, at masasabi kong wagi, dahil buhay ang anak ko at namumuhay na ngayon ng normal.
Noong isang buwan, matapos ang pakikibaka ng isang dekada sa maàlong buhay, natuloy din ang naantalang kasal.
At pangako, hinding hindi ko iiwan at pababayaan ang aking pamilya.
Ito po ang patunay na sa kanila ng masalimoot na takbo ng mundo sa panahong ito, mayroon pa palang forever. RLVN