MEGA JOB FAIR IKINASA SA METRO AT MGA PROBINSIYA

JOB FAIR

ABALA ngayon sa paghahanda  ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) kaugnay sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week sa Disyembre.

Ayon kay PCUP Chairman and CEO Alvin Feliciano, nais niyang ibahin ang atake ng UPSW ngayong taon at siguraduhing mas kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ang magaganap na selebrasyon.

Tinututukan ng PCUP ang pagbibigay ng trabaho at livelihood programs sa mga na­ngangailangang Flipino.

Aniya, ang malawakang job fair na magaganap hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga pro­binsiya ay nakahandang magbukas ng iba’t ibang oportunidad mula sa pribadong sektor at mga ahensiya ng gobyerno.

Ang mega job fair sa NCR ay gaganapin sa  Cuneta Astrodome, Pasay City (Disyembre 17), sa Luzon naman ay sa 4th flr., SM City, Cabanatuan City, Nueva Ecija (Disyembre 11), sa Visayas ay sa Cebu Coliseum, Sanciangko St., Cebu City, Cebu (Disyembre 2); at sa Mindanao ay sa Activity Center ng NCCC Mall, Buhangin, Davao City (Disyembre 4).

“Trabaho at livelihood programs, number one problem ‘yan na kailangang solusyunan. Hindi natin kailangan ng engrandeng selebrasyon,” saad ni Feliciano.

Umaasa ang ahensiya na magiging kaisa sa programa ang maraming samahan mula sa iba’t ibang lugar at mga lider ng mga organisasyon.  BENEDICT ABAYGAR, JR.