BILANG pag-uumpisa ng isang linggong programa para sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila, isang Mega Job Fair ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga kababayan naghahanap ng trabaho.
Sinimulan kahapon ang “Manila Day 2022 Mega Job Fair” sa ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Arroceros Forest Park, Ermita, Manila.
Iniulat ni public employment service office (PESO) chief Fernan Bermejo, may humigit-kumulang 15,000 na job vacancies mula sa 70 partner companies ang pinagpilian ng mga aplikante.
“The PESO is a non-fee charging multi-dimensional employment service facility or entity established in all Local Government Unit (LGUs) in coordination with the Department of Labor and Employment (DOLE),” ani Bermejo.
Matatandaang pinapurihan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac ang PESO-Manila para sa “commendable commitment and unwavering support in the implementation of OWWA programs and services.”
Pinuri din ng ang “promotion of the welfare and interest of the OFWs and their families.
VERLIN RUIZ