PANIBAGONG ‘Mega Job Fair’ ang handog ng pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong Biyernes bilang tulong sa mga walang trabahong Manileño.
Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pag-iimbita niya sa mga gustong subukan ang kanilang kapalaran na makilahhok sa kanilang nasabing job fair.
Ang nasabing job fair ay inorganisa ng public employment service office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo.
Sinabi ng alkalde na mayroong libong bakanteng trabaho ang naghihintay sa mga unemployed sa nasabing job fair.
Sinabi pa ni Lacuna na lahat ng interesado ay maaring magtungo sa “Mega Job Fair” na gagawin sa ground floor QQ Mall sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon naman kay Fernan, ang nasabing job fair ay mula sa inisyatibo ng alkalde ay sa pakikipagtulungan ng QQ Mall at ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office.
Ang mga applicant, ayon sa alkalde ay dapat magpunta na naka-casual attire, magdala ng 10 kopya ng kanilang resume at sariling ballpen.
Pinayuhan din ni Lacuna na tiyakin ng mga aplikante na the nakakain na sila, bago magpunta sa job fair, magdala rin ng tubig bilang pamatid ng uhaw at magsuot lamang comfortable o breathable clothes at higit sa lahat magdala ng bagay na magbibigay proteksyon sa kanilang mula sa init ng araw. VERLIN RUIZ