MEGA QUARANTINE FACILITIES IKO-CONVERT NA VACCINATION CENTERS

Carlito Galvez Jr

GAGAWING mga vaccination center ang ilan sa mga malalaking quarantine facilities sa bansa.

Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, kinausap na niya ang negosyanteng si Enrique Razon para sa posibilidad na i-convert ang mga mega quaratnine facilities na ipinatayo ng negosyante.

“Those quarantine facilities, we are now converting them into vaccination centers…especially the mega quarantine facilities, we can use them as vaccination centers because they have rooms, they have waiting rooms and what we call as very spacious area,” sabi ni Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na ang ibang  quaratine facilities ay mananatiling quarantine facilities.

Nakatakdang simulan ang roll out ng vaccination program kontra COVID-19 sa sandaling dumating sa bansa ang bakunang inorder mula sa Pfizer at AstraZeneca.

Nilinaw ni Galvez na libre ang bakuna para sa mga Filipino.

Bagamat ang mga karatig bansa tulad ng Indonesia, Myanmar, at Bangladesh ay nagsimula na ng kanilang immunization program habang ang Filipinas ayon kay Galvez ay delayed lamang ng isang buwan.

Ang dahilan aniya nito ay ang government procurement  ng Filipinas  ay nakabase sa batas.

“That’s why our delay in only one month and it’s also good because we can observe (others),” wika ni Galvez.

Samantala, nilinaw ni  Galvez sa “Laging Handa” public briefing na hindi muna magbibigay ang national government ng bakuna sa mga local government unit na hindi pa handa.

“We don’t want the vaccines to go to waste, so, it’s important when we inspect is to check their readiness, their capacity, and the capability of the leadership to achieve the herd immunity the soonest possible time,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Galvez na ang ilang siyudad sa Metro Manila ay nagsimula na ng kanilang simulation bilang paghahanda sa COVID-19 vaccination.

“What we will do is two weeks prior deployment, we will conduct a final checkup on the LGUs,” dagdag pa ni Galvez.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.