NAGTIPON-TIPON ang 16 ministers ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ang kalahok na bansa mula sa 10 miyembro ng ASEAN (Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam) kasama ang kanil-ang Free Trade Area (FTA) partners mula sa Australia, China, India, Japan, Korea and New Zealand noong Setyembre 8 na ginanap sa Bangkok, Thailand para sa ika-7 RCEP Ministerial Meeting.
Ayon kay Philippine Trade Secretary Ramon M. Lopez, nagpahayag ang RCEP ministers ng kanilang nagkakaisang determinasyon para tapusin ang negosasyon ngayong taon at kilalanin na ang mga partido na umabot na sa critical milestone sa pagtatapos ng nalalapit na negosasyon. Nagbigay ang ministers ng mandato sa negotiating teams na tapusin na ang huling pending items sa market access gayundin sa ilang isyu tungkol sa mga patakaran bago dumating ang katapusan ng buwan.
Ang ikatlong RCEP Leaders’ Summit na dadaluhan ng mga presidente at prime ministers ay nakatakdang maganap kasabay ng ASEAN Summit ngayong Nobyembre kung saan ang pagtatapos ng RCEP ay iaanunsiyo rin.
Para masiguro na ang kasunduan ay matatapos, nangako ang ministers na magbibigay ng kakayahang umangkop at tamang paraan sa negosasyon.
Sa kasalukuyan, sa lumalawak na global economic uncertainty at trade frictions, ang pagtatapos ng RCEP ay makatutulong para ibalik ang kompiyansa sa international trading system at makatulong na siguruhin ang matatag na environment sa kalakal at pamumuhunan.
Ang kasunduan ay makatutulong na mag-level ng playing field at makaayuda sa pagtatayo ng libre at parehas na merkado sa rehiyon.
“For the Philippines, this agreement is envisaged to achieve greater market access for goods, services, and investments, and provide a business friendly and trade facilitative rules for businesses and investor,” pahayag ni Lopez.
Ang final round ng negosasyon ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 19-28, 2019 sa Danang, Vietnam.
Comments are closed.