NAKATAKDANG buksan ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang Mega Vaccination Facility sa lungsod.
Ayon kay Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, matatagpuan ang pasilidad sa Marikina Sports Complex sa Barangay Sta. Elena na makakapagbakuna ng tinatayang sampung indibidwal kada araw.
Nilinaw naman ni Teodoro na hindi sa pagbabakuna matatapos ang lahat dahil patuloy na imomonitor ang mga naturukang residente pagkatapos ng vaccination.
Pagmamalaki pa ng alkalde, mayroon ding monitoring facility ang lungsod na siyang nakalaan para sa mga Marikenyos na makakaranas ng adverse o side effects ng COVID-19 vaccines.
Dagdag pa ni Teodoro, dadaan din sa maingat o masusing screening ang mga residente upang matukoy kung dapat bakunahan ang mga ito. ELMA MORALES
Comments are closed.