MAS tumatatag ang relationship ngayon nina Megan Young at Mikael Daez pero wala pa rin silangnapag-uusapan na kasalan.
Sa walong taong pagmamahalan ay mas ini-enjoy ng dalawa ang pagta-travel kaysa pagplanuhan ang kanilang kasal.
Ayon kay Mikael sa taping ng Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7, ay wala pa raw sa isip niya na mag-propose kay Megan dahil mas ini-enjoy raw nila ang nangyayari sa kanilang buhay.
Tanong kasi sa actor kung mayroon na siyang naisip na gimik kung paano gagawin ang pagpo-propose kay Megan.
“I`m not thinking about that sa ngayon. Ayokong may pressure. Mas maganda yata ‘yung basta na lang siya mangyayari, ‘di ba?
“Nandoon ‘yung element of surprise. Gusto kong makita ang pagkagulat ni Megan when I pop the question. But for now, wala pa yan… It`s going to happen, but not soon,” nakangiting say ni Mikael sa taping ng Bubble Gang.
Pagkatapos daw ng teleseryeng pinagsamahan nila ni Megan ay pupunta sila sa bansang Iceland para mag-relax.
“Mga eight days lang kami roon. Pahinga na rin namin iyon ni Megan kasi we`ve been working sa teleserye for 10 months. It`s time na mag-relax naman kami.
“Marami pa kaming gustong puntahan. Like ‘yung dream vacation ko sa Antartica, it has yet to happen. We enjoy traveling together and experiencing different cultures. ‘Yun siguro ang isang dahilan bakit nagtagal kami for 8 years. We just enjoy one another kapag kaming dalawa lang,” pagtatapos ni Mikael Daez.
KIM CHIU ‘DI PA RIN MAKAPANIWALA NANG MABIGYAN NG AWARD SA MUSIC
HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala si Kim Chiu na mabigyan ng karangalan ang album niya sa nakaraang PMPC Star Award For Music na ginanap sa Resort World Theater.
Hindi raw niya inisip na magkakaroon siya ng album na bonus pa ang award sa Star Award for Music 2018.
Mabuti na lang daw nakinig siya sa kanyang Star Music family na sina Ms Malou Santos, Roxy Liquigan at Jonathan Manalo.
Ang ginawa raw ni Kim ay ini-enjoy lang pagkanta at hindi rin ikinaila na puro kalokohan hanggang makalikha ng magandang kanta na hindi niya akalain magki-klik sa kanyang fans.
Lahat ng karangalan natatanggap ay nagsisilbing inspirasyon ni Kim at kanyang iniingatan na kung saan ay inilalagay niya ang bawat trophy sa kanya bahay para magpaalala na siya ay may karapatan din pagdating sa pagkanta.
Samantala, baka raw i-submit ng Regal Entertainment ang movie nila ni Dennis Trillo na One Great Love sa Metro Manila Film Festival na idinirek ni Eric Quizon.
Maganda raw ang script ng movie na tapos na at oras na makapasok sa MMFF 2018 ay magugulat raw ang followers at fans ni Kim dahil sa kissing scene at love scene nila ni Dennis.
Sabi nga ng director na si Joey Reyes kay Kim, “I just saw the rushes of One Great Love. Kim Chiu transforms into a mature actress that will surprise her fans.”
MIKE MAGAT HAPPY NA KASALI SA HAPI ANG BUHAY
NAGPAPASALAMAT si Mike Magat na napasama siya sa pelikulang Hapi Ang Buhay the Musical na isinulat at idinirek ni Carlo Ortega Cuevas under EBC Films.
Sa premiere night ng movie na ginanap sa Cinema 4 ng Megamall last Friday ay isang masaya at fulfill na Mike Magat ang aming nakausap. Matagal na raw niyang gustong makasama sa grupo ng Hapi ng Buhay na isang sitcom na napanonood sa Net 25.
“Sabi ko sa sarili na, “sana makasama ako balang araw sa grupo ng Hapi Ang Buhay dahil ‘di lang kasi pagpapatawa ang ginagawa sa sitcom, nagbibigay pa ito ng aral at pangaral sa ating lipunan.
“Kaya nang tawagan ako na isasapelikula ang Hapi ang Buhay the Musical ay nagdiwang ako dahil finally makakasama ko rin sila sa isang pelikula na nagpapatawa.
“First time ko gumawa ng musical comedy dahil madalas ay napanonood ako na isang mabangis na kontrabida na laging nasasabak sa rambulan at barilan, ‘di ba?” say ni Mike Magat na isa na ring director.
Kasama rin ni Mike sa movie sina Victor Neri at Antonio Aquitanian na ikagugulat din ng mga follower ng tatlo. Dati kasi napanonood ang tatlo sa action at drama. Pero biglang gagawa ng comedy na musical pa ang dating.
Si Antonio ay okey lang mapasabak sa isang comedy dahil napanonood siya every Friday sa longest gag show sa TV, ang Bubble Gang.
Pero si Victor Neri na isang action star ay biglang napasabak sa isang comedy na musical pa ang dating.
Pero lahat ng agam-agam namin ay naglaho nang mapanood namin ang kabuuan ng Hapi Ang Buhay. Nagampanan ng tatlo ang kani-kanilang character sa movie na ikatatawa ng lahat.
Mga baguhan at hindi pa kilala sa showbiz industry ang mga kasama nina Mike, Victor at Antonio sa movie pero oras na maipalabas sa mga sinehan ang Hapi Ang Buhay ay sigurado kami na matatandaan na silang lahat.
Comments are closed.