MEGAN YOUNG ‘DI KAYANG PANOORIN ANG KISSING SCENE NG BF SA IBA

MEGAN-YOUNG

AMINADO ang beauty queen/actress na si Megan Young na hindi niya pinapanood ang kissing sceneswallface ng kanyang boypren na si Mikael Daez sa co-star nila sa “The Stepdaughters” na si Katrina Halili.

Ani ni Megan, hindi raw niya keri na makita ang kanyang boypren na may kahalikan na iba. May pagkakataon pa nga na nasa set siya nang kunan ang kissing scene ng boypren at ni Katrina, hindi raw siya nanood ng naturang eksena. Ani pa rin ni Megan, kahit daw sa telebisyon ‘pag ilalabas na raw ‘yung eksenang halikan nina Katrina at Mikael ay tinatakpan daw niya ang kanyang mga mata para hindi ito mapanood. Alam naman daw ni Megan na kasama sa trabaho nila ng boypren ang magkaroon ng kissing scene sa ibang partner at okay lang daw ito sa kanila ng boypren pero para kay Megan, hindi na lang daw siya manonood para hindi siya mawerduhan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kanilang ratings kung kaya mas lalong ganado si Megan sa kayang role, lalo pa na marami na ang nakakapansin sa pagkakaroon ng ‘lalim’ sa acting ni Megan, ika nga, hindi lang siya maganda ang mukha at beauty queen, pasado na rin siyang tawaging actress.

SOLENN HEUSSAFF NAGMENSAHE PARA SA TAMANG PAG-AALAGA NG KALIKASAN

SOLENN-HEUSSAFFHINDI lang sa kanyang art works makikita ang pagmamahal ni Solenn Heussaff sa bansa kundi maging sa kanyang mga social media account. At dahilan sa ika-150th Independence Day ngayong taon ng Filipinas, isang simpleng mensahe ang sinulat ni Solenn sa kanyang account kung saan ay naglalahad ito tungkol sa maayos na pagtatapon ng basura para mapangalagaan ang kapaligiran at ang inang bayan.

Ani ni Solenn, may tatlong paraan para makatulong ang mamamayan sa paglikom ng basura. Una na raw rito ay ang ‘wag magkalat’, pangalawa ay ‘turuan ang mga nagkakalat ng tamang pagtatapon ng basura’ at ang huli ay ‘i-minimize ang pagkalat ng basura’. At para mas mapansin ng netizens ang kanyang caption ay kinabit niya ito sa isang larawan kung saan kuha ito sa isang beach resort at naka-skimpy two piece bikini si Solenn at nakatalikod.

KEN CHAN AT ARRA SAN AGUSTIN MAY SOMETHING

MALAKAS  ang chemistry nina Arra San Agustin at Ken Chan sa “The Cure”, at mas lalo itong lumutangKEN-ARRA sa eksenang pagbubunyag na magkakaanak na sila.

Sa naturang eksena ay ibabalita ni Arra, bilang asawa ni Ken, na buntis siya. At natulala si Ken sa balitang iyon ng asawa dahilan nasa gitna sila ng kaguluhan. At napatitig ng husto si Ken kay Arra nang malaman ang magandang balita. Pero mas nakaagaw ng atensyon ng mga manonood ang kakaibang titigan nina Arra at Ken sa naturang eksena, parang may something ang dalawa? Tila natulala si Arra sa titig ni Ken at ‘nawala sa sarili’ ang young actress. Ang tanong hindi kaya halos matunaw si Arra sa malagkit na titig ni Ken sa kanya?

 

Comments are closed.