MEGAN YOUNG TULOY ANG TAPING KAHIT NILALAGNAT

MEGAN YOUNG

NAPAKA-PROFESSIONAL ni Megan Young, kahit may sakit, tuloy-tuloy ang taping niya ng “The showbiz eyeStepDaughters,” ang top rating afternoon prime drama series, dahil next month daw ay matatapos na sila, kaya may separation anxiety na silang nararamdaman. Nagsimula pala silang mag-taping noong Nobyembre, 2017 pa at napanood sila si­mula noong Pebrero 12, 2018, kaya halos one year din silang tatagal.

“Kahit po ako maysakit, hindi ko imi-miss ang makatrabaho ko ang buong cast,” sabi ni Megan.  “Sa story po lamang kasi kami nag-aaway lagi ni Isabelle (Katrina Halili) pero off-camera, magkakaibigan kaming lahat, masaya ang set namin. Nakaka-miss na dahil ito ang first teleserye ko na magkasama kami ni Mikael (Daez) at so far, ito ang pinakamatagal kong ginawang teleserye. Ang ganda ng samahan namin sa set, si Katrina hindi mo maririnig na magreklamo, kahit iyong mahihirap na catfight namin, gagawin niya basta kaya niya.”

Pero pagkatapos daw ng teleserye nila, magbabakasyon muna sila ng travel buddy niyang si Mikael.  Nagpa-book na raw si Mikael ng trip nila sa Iceland, pero eight days lamang sila dahil may mga commitments na rin silang natanggap. Eight years na pala ang relasyon nina Megan at Mikael at ang pagpapakasal, naiisip na rin nila at ready na rin daw naman si Megan. Simple wedding daw lamang ang gusto niya, basta naroon ang kanilang buong fa­mily ni Mikael at mga closed friend nila.

Ang “The StepDaughters ay napanonood daily, after ng “Ika-5 Utos.”

LOUISE DELOS REYES OPEN NA NGAYON SA KANYANG LOVELIFE

LOUISE DELOS REYES-2NATUWA kami na after matagal naming hindi nakita si Louise delos Reyes matapos niyang lumipat from GMA Network, to Viva Artist Agency at ngayon ay sa ABS-CBN na siya napanonood, mas open na siyang magkuwento tungkol sa kanyang lovelife.

Hindi naman lihim na nagkaroon siya ng dalawang boyfriends habang nasa GMA, sina Enzo Pineda at Aljur Abrenica na nasa ABS-CBN na rin.  Hindi naman lihim ang relasyon niya noon sa dalawang actor.

Una niyang naging boyfriend si Enzo at pagkatapos kay Aljur. Sila kaya ang tinutukoy ni Louise sa mediacon na umasa siya sa kanila noon?  Balita kasing si Enzo ang nakipag-break kay Louise at si Aljur naman ay binalikan ang girlfriend na si Kylie Padilla.

Pero si Louise ngayon ay parang nalimutan nang lahat iyon at open nang magkuwento tungkol sa non-showbiz boyfriend niya at gusto na rin daw niyang mag-settle down dahil nakita na raw niya ang lalaking para sa kanya. Look at her Instagram at punong-puno ito ng pagmamahal.

Sa movie na dinirek ni Digo Ricio, si Louise ay si Kath na na-meet si Dan (Sam Concepcion) noong time na she’s mending a broken heart?  Si Dan kaya ang makagagamot sa kanyang loneliness?