ALAM ng lahat na apat ang longest reigning movie queens ng Pelikulang Pilipino. Sina Nora Aunor, ang Superstar; Vilma Santos, ang Star for All Seasons; Sharon Cuneta, ang Megastar; at Maricel Soriano, ang Diamond Star. Silang apat lang ang may aprubadong titulo.
Sa nakaraang taon, medyo tahimik ang career nina Ate Guy at Ate Vi. Sina Marya at Shawie naman ay busy sa kanilang mga proyekto. Pero sa taong ito, mag-uumpisa sina Marya at Shawie sa kanilang first Hollywood movies.
Unang napabalita ang kay Marya na isang trans-led romantic comedy na pinamagatang Re-Live. Ito ay tungkol sa kuwento ng isang transgender na artistang umuwi para sa kanilang high school reunion.
Si Shawie naman ay mag-uumpisang mag-shoot ng pelikulang “Concepcion” na tungkol naman sa kakaibang pamilya, sa produksyon ng ABS-CBN.
MIRIAM QUIAMBAO PERMANENTENG MANINIRAHAN SA BORACAY
Nakapagdesisyon na ang dating Miss Universe 1999 first runner up na si Miriam Quiambao na permanenteng iwan ang Manila at manirahan sa magandang isla ng Boracay kasama ang kanyang asawa at mga anak. Mas gusto raw ng dating beauty queen ang tahimik na buhay. Para sa kanya, napaka-healthy ng buhay sa Boracay away from the ‘hustle and bustle’ of the city.
Hindi si Miriam ang unang celebrity na na-mesmerize sa buhay-isla. Nauna rito sina Andi Eigenmann at Nadine Lustre na sa ngayon ay nasa Siargao Island at mukhang doon na rin permanenteng maninirahan. Sabagay, iba talaga ang buhay-probinsya. Isa pa, mas maganda talagang magpalaki ng mga anak sa probinsya.