MEGAWIDE  LUMAKI ANG KITA | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
Magkape Muna Tayo Ulit

MEGAWIDE  LUMAKI ANG KITA

ANG Megawide Construction Corp. ay nagtala ng P1.37 billion sa kanilang net profit na maaring maiugnay sa kanilang mga equity holders ng kanilang negosyong construction. Dagdag pa rito ay ang kanilang pagkuha at pamamalakad ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na malaki ang kanilang kinita. Ang pinagsama-sama na kabuuang kita ng Megawide ay umabot sa P1.8 billion nitong 2018. Subali’t ang  kita ng lahat ng kompanya sa ilalim ng Megawide ay bumaba ng 21% na nagkakahalaga ng P15.11 billion.

Ang kita sa construction ang medyo tumumal dulot ng mga proyekto na medyo naantala kaya naman hindi naisama sa kabuuang kita ng kanilang kompanya. Ang iba ay nasa completion stage na o kaya ay pasimula pa lamang. Ang kanilang net income ay naapektuhan din dahil sa mga malalaking halagang inutang nila sa bangko na kasalukuyang inaayos nila dulot ng mabagal na pagsis-ingil sa kanilang mga kliyente.

Nguni’t ang nakapagpaangat sa kita ng Megawide ay ang mga proyektong pang-impraestruktura tulad nga ng MCIA sa Cebu at ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na tumulong ng malaki upang umangat ang kita ng Megawide na mahigit na 50% net income.

Ayon kay Edgar Saavedra na siyang chairman at chief executive officer ng Me­gawide, maganda raw ang nakaraang taon para sa kanila. Ito nga ay dulot ng kanilang dalawang flagship projects sa impraestrukturang pangtransportasyon. Ito ay ang MCIA at ang PITX.

Sa totoo lang, ang mga nagpapalakad ng Megawide ay grupo ng mga batang negosyante. Halos wala pa sa edad 50 ang mga ito. Maliban kay Saavedra ay nandiyan din si Michael Cosiquien. Nandiyan din si Louie Ferrer na siyang presidente ng MCIA.

Matindi ang kompetisyon ngayon ng mga malaking construction at developments sa ating bansa. Ang ‘Build, Build, Build’ pro-gram ng administrasyon ni Pa­ngulong Duterte ay nasa kalagitnaan na ng kanyang termino. Marami na ang nasimulan at marami pa ang uumpisahan. Talagang napa­panahon na upang maging agresibo ang pamahalaan sa pagtatayo ng mga modernong pasilidad sa pamamagitan ng mga samu’t saring impraestruktura na mag-aangat ng ating kabuhayan at ekonomiya.

Tulad ng Megawide at iba pang mga developers tulad ng SM, Filinvest, San Miguel, MPIC, Ayala, DMCI, Megaworld, Double Dragon at marami pang iba, handa silang pumasok sa mga proyektong inaalok ng ating gobyerno lalo na at ang korupsiyon at katiwalian ay talaga namang binabantayan sa admin-is­trasyon na ito.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS