NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawa katao na nahuli sa South Cotabato.
Nakilala ang mga ito na sina Julius Genobes Balbuena alyas JASulius, 27, may asawa, mekaniko, residente ng Barangay Sagasa, Esperanza Sultan Kudarat at Mario Sapues Rizalda, 47, binata, nakatira sa Brgy Silway 8, Polomolok.
Ayon kay Matalam Chief of Police Major Junrel Amotan na nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng PNP Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa Brgy Poblacion Matalam, Cotabato sa harap ng Matalam National High School.
Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa naka-sibilyan na pulis ay doon na sila inaresto.
Narekober sa mga suspek ang ilang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, buybust money at isang Hinno 10-wheeler truck.