MAHILIG sa negosyong restaurant ang Momshie ng bayan na si Melai Cantiveros, na owner na ng tatlong branch ng Adobo Connection na ang latest branch ay sa SM North Edsa The Block na binuksan kamakailan.
Sa opening ng bagong branch ay nagkaroon pa ng parade kung saan dinumog si Melai ng kanyang fans. Bukod sa franchiser ng Adobo Connection ay si Melai din ang first celebrity endorser ng company na itinayo many years ago. Bago ang Adobo Connection ay nakapagtayo na si Melai ng una niyang resto na Canto sa kanyang hometown sa GENSAN, na ang nagse-serve ng grilled foods.
Bakit naisipan ng komedyanang host na mag-invest sa negosyong pagkain.
“Siyempre, ang pag-aartista hindi naman siya forever; kailangan may fallback ka, mayroon kang babalikan kapag nawala na ‘yung pag-aartista. Ako, open kasi ako na kapag tapos na ‘yung chance mo, tapos na ‘yung kasikatan mo ay iba naman. Hindi lang naman ikaw ang anak ng Panginoon marami kayo, so ibigay mo sa iba. So bilang momshie kailangan mayroon kang fallback,” esplika pa ni Cantiveros.
EXCITEMENT SA JUAN FOR ALL NG EB RAMDAM NG BUONG BARANGAY
RAMDAM na ramdam mo ang excitement at kaba ng lahat ng studio audience na nabigyan ng registration form na isa sa kanila ay puwedeng manalo ng impromptu ng malalaking papremyo sa Brgy APT. Lalo na kapag ipinapataas na ang kanilang mga cellphone at mag-aantay kung kaninong numero ang tatawagan ni Bossing. ‘Yung iba, kitang-kita na nagdarasal na sana ay palarin na sila ang makatanggap ng tawag ni Bossing na magbabago ng kanilang kapalaran.
Pero may insidente na ‘yung tinatawagan studio audience ay naka-off yung cellphone at kabibiliban mo yung batang lalaki na binilinan ng kanyang nanay na nagpunta ng CR. Siya ang sumagot sa tawag ni Bossing Vic at ayun nanalo ang kanyang mother na tuwang-tuwa na siya ang pinalad na magwagi sa araw na iyon.
Comments are closed.